7.20.2006

KAINAN


kainan, originally uploaded by busalshots.

anong gusto mo? pumili ka na! mamaya malamig na sya

it takes time if you don't know exactly what you want...


NICKNAMES

napansin nyo ba kung gaano kakukulit ang mga palayaw na binabansag nating mga pinoy. halos lahat na yata ng pwedeng itawag sa isang tao ay binansag na natin! eto ang ilan sa mga tinutukoy ko...

body parts and features - considerable pa dahil kung iyon ang una mong mapapansin sa isang tao eh di iyon ang itatawag mo
ex.
si ulo, si tenga, si panga, si mukha, si baba
si balbon, si tisoy, si kulot, si singkit

food - ewan ko baka hilig nila ito at ibinebenta o may kwento behind kaya na-associate sila sa pagkain
ex.
si talong, si bagoong, si kamote, si itlog, si buko, si monay

animals - mukha silang hayop?! baka lang may skills sila na tulad ng sa hayop na iyon
ex.
si daga, si bangus, si langgam, si kabayo, si sisiw, si surot, si buwaya, si itik

kapansanan at dumi sa katawan - eto rin ay marahil sa una nating napapansin sa kanila
ex.
si kuba, si pilay,
si kulangot, si luga, si bukol, si tinga, si balakubak

others - eto siguro kung hindi nyo alam ang istorya ay di nyo maiintindihan bakit sila nabansagan ng ganitong mga palayaw o kaya nyo naman sigurong mahulaan dahil tulad nung iba based rin yan sa features at experience nila
ex.
si doormat, si mangkok, si bangga, si pinggan, si flashlight, si baliktad, si buwan, si tae at si utot (excuse me!), si kalabit, si kamot, si bagyo

marami pang iba palayaw tulad ng kanilang trabaho, pinanggalingan at nakagawian... sa totoo lang mas nakakatawa kung ilalagay ko un mga paunang pangalan nila bago ang alyas, halimbawa: totoy bato, pepeng paa, buboy kalyo atbp. hehe kaso bigyan na lang natin sila ng konting privacy haha

come to think of it ang mga example ko... sa lugar pa lang namin at mga alam ko lang yan! di ko pa sinama ang mga bastos... lalo na siguro sa iba pang lugar. sa inyo anong mga palayaw na patok?

1 comment:

Tanya said...

ahhhhhhh i miss da pilipins. hahaha.. daya mo pa rin. :-p