12.29.2004

NEW


BAGONG TAON...BAGONG PAG-ASA!
hilingin ang gusto at ito'y matatamo!
kaya nating mga pinoy maging masaya anumang oras pero palagay ko sa bagong taon na darating kailangan nating maging BUWENAS!

LUCKY NEW YEAR to all!!!
ei! it was a tough one, but we'll get by...
we're in this together!


12.28.2004

PATH


medyo nagkakasalisi lang tayo...
hayaan mo pag nagkataon, tayo rin ay magtatagpo!

damn...we both missed a golden opportunity!


12.22.2004

PINE


MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!
kumain kayo at uminom ng marami... magdiwang
at huwag kalimutan ang tunay na dahilan ng ating kasiyahan! ho! ho! ho!

VERY MERRY CHRISTMAS!
eat more... get drunk, celebrate!


ALTERNATE


ikaw muna...tapos ako naman.
salitan lang tayo

you go left then i'll go right


12.21.2004

VORTEX


aaahhhhh! paikot-ikot...wag kang malikot
pupunta tayo doon sa hindi masalimuot


its not yet over! get out there... do your thing


12.19.2004

LIGHT THE SKY


nandito lang ako sa itaas upang bigyan ka ng liwanag
sa oras ng mapanglaw na daan

i don't understand, why? this light is blinking like crazy



12.17.2004

ABDUCTION


ayoko na! dalhin nyo na lang ako sa ibang planeta


ouch! its that blinding light again... hello! anybody there?


12.16.2004

LANGGAM


nilalanggam na ko rito ah... ano bang aten?
may gusto ka bang sabihin?

forgive me but there's no sweetness left in me


12.15.2004

KALBO


huh! kalbo na pala ko...
buti na lang hindi ako nananalamin.

hey! where are my sideburns?


12.14.2004

TIPAKLONG


Wala bang mga damo dito?
Wala akong mapagtaguan eh.

come jump with me!


12.13.2004

SHOT MUNA


Tigilan ang kuwento. Tigilan ang pamimilosopo.
Kung ako sa'yo, shot muna!

yeah right! let's drink to that


12.10.2004

TAKIPSILIM


Inabot na naman tayo ng paglubog ng araw.
Hindi pa rin natin nalulutas 'to.

we should talk soon... we need to


12.09.2004

BY THE ILOG


do'n tayo kumain sa may ilog... para maiba naman

look! a great picnic spot


12.08.2004

BULAK


Ano yan dala mo, bulak?
Kahit isang daliri kaya ko yan buhatin.

what if these were cotton candies?


12.07.2004

CRABS


Paborito niya ang matatabang alimasag.
Madalas ay bumibili pa siya. Ngayong walang wala siya,
baka meron kayo, patikim nyo na lang sa kanya.

you're abnormal....c'mon bite me!


12.06.2004

ULAP


Napakasarap damhin ng mga ulap.
Kung alam mo lang, gusto ko itong maranasan mo.

You blew me away and i don't know where i'll end up soon.


12.02.2004

SIPA


Ang pagkain ay hindi laruan.
Yung kwan na lang ang laruin mo .... yung playstation.

here! i really reserved this last piece for you.


12.01.2004

PERSIAN


Hindi babagsak ang bunga sa iyong bibig. Kailangan mo itong pitasin.
Kung natatatakot kang mahulog ay mahihirapan kang abutin siya.
Humingi ng tulong sa isang nakatataas.

a rare citrus fruit... i'm not sure


11.29.2004

SAMPAGUITA


Alagaan nyo sila ng mabuti upang sila ay lumago at hindi malanta.
Mapalad kayo dahil nasa piling nila.

our national flower? fragrant.


11.25.2004

BALASUBAS


Balasubas ka ba? Subukan mong maging, paminsan-minsan.

if you need some real potato, go to Popo. Popo Potato.


11.24.2004

9am


Mas masaya siguro kung tuwing umaga ay nagkikita tayo.

ya see that building on the far right? .... yeah that one!
.... nothing interesting there.


11.23.2004

CHURCHYARD


Nasan kaya sila? Sabi nila punta sila dito.
Ah.. baka nasa loob.

nothin' special.... just liked the lines



11.22.2004

WALL


Huwag kang magtayo ng malalaking pader sa iyong paligid
dahil lalo lang itong pipiliting pasukin.

someday i'll climb these walls around me



11.19.2004

SAPUSA


Walang talento ang asong galit sa pusa.

i don't like the green. can you get me the blue ones?



11.18.2004

ABOT KAMAY


Siguraduhing malinis ang mga kamay bago kumain.

can you come up with something more interesting...


11.17.2004

PASALUBONG


Bakit ayaw mong tumingin sa akin kapag nagkakasalubong tayo?
Sayang may pasalubong sana ko sa'yo.

sweeeeet! here's somethin' for ya.



11.16.2004

UMAGA


Pasikat ka pa lang, wala ka pa sa katirikan.
Pa-saan pa't lulubog ka rin.

i was drunk and i woke up with this scene.


11.12.2004

BASYO


Basyo man ay may silbi pa rin.
Kita niyo nga at nagawa pang modelo.

You can still shine even with that emptiness inside you.



11.11.2004

SIMPAN


Ayoko pang magligpit dahil
hinihintay kitang makasalo sa hapagkainan.

what are you thinking? that's a far look you have there.



11.10.2004

SINAG


Kahit katiting na liwanag ay makakarating sa kinalalagyan mo.
Kailangan mo lang maglaan ng butas para makapasok ito.

just in case.... its a stairway



11.09.2004

KALABAW


Akala ko ba kami lang ang tumatanda,
bakit kami pa ang pinagtatrabaho niyo?

carabao said..."can't ya see, this job is bull crap!"



11.08.2004

GULAY


Huwag kang magugulat kung isang araw ay gulay ka na
dahil hindi ka kumakain nito.

tell me. what does it look like?



11.05.2004

EYEPIECE


Ang labo mo! Ayaw na kitang makita pa.
Malabo na nga eh, ayaw mo pang tingnan.
Kailan kaya tayo magkakalinawan?

so come and get some



11.04.2004

BASO


Ingatan ang mga babasagin sapagkat
masakit itong magdulot ng sugat.

Water please! there's something in my throat.





11.03.2004

CARBED


Masarap matulog sa kotse habang bumibiyahe,
lalo na kung malakas ang aircon at hindi ikaw ang driver.

i feel sleepy. my eyes are getting weak.



11.02.2004

KALSADA


Paminsan-minsan kailangan mo ring lumiko.
Pilitin mo mang dumiretso ay hindi pupuwede.

Wait for your turn man! %@&*!



10.29.2004

AGOS


Hindi mo maiiwasan ang agos lalo na kung biglaan,
dapat ay lagi kang nakahanda.

pristine. what can i say?



10.28.2004

TRAYSIKEL


Gaano karaming tao ang maisasakay mo
sa isang traysikel kasama na ang iyong sarili?
Ang sagot mo ay hindi mahalaga.

definitely a Philippine picture. think so?





10.27.2004

TWO LITTLE BIRDS

Marami sa atin ang nagtitiis na manatili sa ating kinalalagyan
gayong ang tangi nating hangarin ay ang lumipad,
pero tulad nila tayo ay nakatali.

Green birds? i wonder what they're thinking.....
freedom? nah!



10.26.2004

BILOG

Iwasang uminom ng alak mag-isa,
sayang ang kuwento mo kung ikaw rin lang ang nakakarinig.

Thirsty? this aint for you.



10.25.2004

USBONG


Nararapat bang putulin ang pag-usbong ng isang
magandang relasyon dahil lamang sa isang maling impresyon?

A love so beautiful, we let it slip away...



10.22.2004

PUNO


Alam mo ba kung gaano kasarap ang sumilong
sa ilalim ng isang puno habang
dumadampi ang ihip ng hangin sa iyong balat?

Let's keep 'em standing there.



10.21.2004

TIMBA LANG


Huwag basta nila-lang ang timba dahil kung
walang timba isipin mo na lang kung anong mangyayari.

We take them for granted. What would happen if they're not around?



10.20.2004

PAGLUBOG


Anong kulay ng sunset ang nais mo? Pula, Dilaw, Kahel o
baka naman Itim? Bakit hindi mo iguhit sa iyong isipan?

Yah, its worth the wait but don't leave soon.


10.19.2004

SPRING


Ang tao ay parang spring. Mayroong mga kumakapit sa kanya.
Upang matulungan niya ang mga ito ay kailangan niyang magbanat.
Walang silbi ang spring kung hindi ito nabababanat.

Ya'll know, people should stretch every now and then.



10.18.2004

MIRROR CLOCK


Tuwing tumitingin tayo sa salamin ay tumatakbo ang oras.
Ano sa tingin mo?

Do you notice time when you are infront of the mirror?