11.29.2004

SAMPAGUITA


Alagaan nyo sila ng mabuti upang sila ay lumago at hindi malanta.
Mapalad kayo dahil nasa piling nila.

our national flower? fragrant.


11.25.2004

BALASUBAS


Balasubas ka ba? Subukan mong maging, paminsan-minsan.

if you need some real potato, go to Popo. Popo Potato.


11.24.2004

9am


Mas masaya siguro kung tuwing umaga ay nagkikita tayo.

ya see that building on the far right? .... yeah that one!
.... nothing interesting there.


11.23.2004

CHURCHYARD


Nasan kaya sila? Sabi nila punta sila dito.
Ah.. baka nasa loob.

nothin' special.... just liked the lines



11.22.2004

WALL


Huwag kang magtayo ng malalaking pader sa iyong paligid
dahil lalo lang itong pipiliting pasukin.

someday i'll climb these walls around me



11.19.2004

SAPUSA


Walang talento ang asong galit sa pusa.

i don't like the green. can you get me the blue ones?



11.18.2004

ABOT KAMAY


Siguraduhing malinis ang mga kamay bago kumain.

can you come up with something more interesting...


11.17.2004

PASALUBONG


Bakit ayaw mong tumingin sa akin kapag nagkakasalubong tayo?
Sayang may pasalubong sana ko sa'yo.

sweeeeet! here's somethin' for ya.



11.16.2004

UMAGA


Pasikat ka pa lang, wala ka pa sa katirikan.
Pa-saan pa't lulubog ka rin.

i was drunk and i woke up with this scene.


11.12.2004

BASYO


Basyo man ay may silbi pa rin.
Kita niyo nga at nagawa pang modelo.

You can still shine even with that emptiness inside you.



11.11.2004

SIMPAN


Ayoko pang magligpit dahil
hinihintay kitang makasalo sa hapagkainan.

what are you thinking? that's a far look you have there.



11.10.2004

SINAG


Kahit katiting na liwanag ay makakarating sa kinalalagyan mo.
Kailangan mo lang maglaan ng butas para makapasok ito.

just in case.... its a stairway



11.09.2004

KALABAW


Akala ko ba kami lang ang tumatanda,
bakit kami pa ang pinagtatrabaho niyo?

carabao said..."can't ya see, this job is bull crap!"



11.08.2004

GULAY


Huwag kang magugulat kung isang araw ay gulay ka na
dahil hindi ka kumakain nito.

tell me. what does it look like?



11.05.2004

EYEPIECE


Ang labo mo! Ayaw na kitang makita pa.
Malabo na nga eh, ayaw mo pang tingnan.
Kailan kaya tayo magkakalinawan?

so come and get some



11.04.2004

BASO


Ingatan ang mga babasagin sapagkat
masakit itong magdulot ng sugat.

Water please! there's something in my throat.





11.03.2004

CARBED


Masarap matulog sa kotse habang bumibiyahe,
lalo na kung malakas ang aircon at hindi ikaw ang driver.

i feel sleepy. my eyes are getting weak.



11.02.2004

KALSADA


Paminsan-minsan kailangan mo ring lumiko.
Pilitin mo mang dumiretso ay hindi pupuwede.

Wait for your turn man! %@&*!