12.29.2005

MAGIC


kailangan lang talagang magpicture nang magpicture...

Christmas waves a magic wand over this world, and behold,
everything is softer and more beautiful. -Norman Vincent Peale

sana'y nabudburan lahat tayo ng magic ng pasko para maging masagana ang bagong taon nating lahat...
HAPPY HAPPY NEW YEAR!!! magbago na kayo! ano new year's resolution nyo? ako? 1024x768 pa rin siguro haha

12.27.2005

Y.B.R.G.O.


...kapag nagkataon magkakaroon ng kulay ang buhay ng matamlay

i won't let ur bloom fade away...

salamat sa mga pagbati... alam ko namang kahit papano ay maliligaya ang pasko natin


12.23.2005

STAR


...kahit konti meron tayo kaya pasalamat

"we saw his star in the east and have come to worship him..."


MERI MERI KRISMAS SA ATING LAHAT!!!

12.22.2005

SUMISIKAT


may bagong araw na natatanaw... sana'y luminaw

prepare the horizon... she'll cut right through


12.19.2005

10 SENTIMO


mag-ipon... marami ang naghihirap dahil hindi marunong

All a nigga really need is a lil bit, not a lot baby girl just a lil bit..
- 50 cent


sensya na... ndi ako inspirado... walang koneksyon ng internet sa bahay... bawi na lang

12.15.2005

COLLECT


ala nang mai-post... abala pa

don't worry... there are bugs around


12.08.2005

EVENING Part 2


kung sagabal ako sa iyong paningin hindi mo makikita ang kagandahan sa akin

just put 'em where they won't cause any trouble


12.05.2005

LIGHT


alam mong may liwanag pero nagtitiis ka sa dilim

I will love the light for it shows me the way,
yet I will endure the darkness because it shows me the stars.
- Og Mandino


12.01.2005

B43


naghihintay pero hindi umaasa... nag-aabang ng walang kompiyansa

time will tell... what?

i actually shot this with lesser light so i needed a little more help from post processing... since the pic somehow has the right composition the light needed was at hand

'no sa tingin nyo?

salamat at nagustuhan nyo ang simpleng pic ng prutas... nahirapan akong mag-isip kung pano kukunan yan eh buti na lang laging nandyan ang kalangitan at ang araw hehe

at dun sa tanong na kung ilang shot bago nakuha eh mga limang kuha bago ko nagustuhan ang picture... tapos namili ako sa 2 finalist at yan nga... ok nman kse un subject eh kaya interesting pa rin kahit ano mangyari di ba?


11.29.2005

LANSONES


ang mahirap anihin... masarap kainin

there's nothin' like holdin' something sweet... like you


11.24.2005

BUSY


magandang dalaga nais sana sa iyong magpakilala
ngunit ako'y abala sa aking camera (originally manibela)

Life is what happens while you are busy making other plans.
- John Lennon


11.22.2005

BRIGHTENING


kundi ako na-late para sa sunrise mas maganda sana

better late than never?


11.18.2005

UP


huwag masyadong magpakataas dahil pinagpapala ang nagpapakumbaba

come on now tell me, would it be a better day for you if you... bring me down
- rivermaya


11.16.2005

CLOUDS


inaming naramdaman ka nang umihip ang hangin

"May your trails be crooked, winding, lonesome, dangerous, leading to the most amazing view.
May your mountains rise into and above the clouds."
- Edward Abbey


11.15.2005

DAWN


bakit ngayon ika'y nababalot sa kulay ng hatinggabi
nagtatanong, nangangarap na aking magisnang muli
- the dawn

just waitin for that moment when everything around lights up


11.10.2005

LAY BACK


subukan mong tumigil at magpahinga...

...this is why u came here in the first place

haha tsambang-tsamba... dahil medyo pagod na ako sa kakalakad naisipan kong humiga sa lupa at itong tanawin na ito ang tumambad sa akin isang click lang at wala nang ulit-ulit ang ganda... solb! pero ngayon nakakapanghinayang dapat nagpicture pa ko nang nagpicture...

tungkol sa comment na medyo minsan ay wala yun magic na hinahanap nyo sa litrato... tama iyon! hindi ko rin maipaliwanag basta pino-post ko un mga pics na interesante sa mata ko at sa mata nyo rin siguro... halimbawa: ndi karikitan ang larawang WAIT UP (sa baba) pero kung ang tumitingin ay isang nagnanais makarating sa lugar (mt. pulag - akiki trail) ay makakapagbigay ng idea ang litratong ito... nkalimutan ko lng isulat hehe

at kung iisa-isahin nyo ang mga pic archives makikita nyo na lahat ito ay pag-aaral... tsaka minsan malakas lng talaga ang tsamba hehe

ang nakakainis pero nakakatulong in a way ay yung hindi ako nakukuntento dahil alam kong meron pa at mas may ibibigay pa tulad ng naiisip ninyo hehe... salamat sa komento ni supercow... naipaliwanag ko ito

WAIT UP


kung minsan mas nakakatulong kung hindi nagsasabay-sabay

dunno why im a waiting person... it doesn't do me good


11.08.2005

GLOOMY


konting sandali na lang ay magdidilim na... nasa'n ka ba?

my ignorance has driven your beauty into oblivion

kung pagmamasdan ang mga huling litrato ay mapapansing papunta ako sa mt. pulag - highest point of luzon(medyo tama ang isang hula na sagada dahil don din daan non) galing nga ako ron at sa unang hagod ng panik sa akiki trail yan ang bubungad na tanawin... ndi masyadong photographic ang mga picturan namin sa panik pero ok na rin

11.07.2005

DAM


hindi ako namimigay ng dam...

a barrier constructed across a waterway to control the flow
or raise the level of water

sensya na medyo nasira un pc ko tapos medyo abala pa rin kaya bawi na lang... nga pala di kayo nagkakamali ambuklao dam nga iyan... ang kulet ndi ko alam na dadaan pala mismo doon sa taas ng dam biglang tumigil sa pagmamaneho ang driver ng bus namin sabay bulong "picture taking" eh hindi ko narinig dahil naka-earphone at halos lahat ng pasahero na groggy sa antok ayun hinarurot na ni manong naka-shot pa ko ng overview pero mas ok yan kahit puro ganyan ang kuha sa lugar na yan... yan na lang

11.02.2005

GOING



kung di nyo pa alam kung saan papunta ang daan na ito... sama kayo

if you've been here... tell me what the popular destination is


10.28.2005

WRONG PRACTICE


nakasanayan? pero mali eh... dapat nating baguhin

you're a hard habit to break

nagagandahan talaga ko dito sa litratong 'to... sinali ko sa challenge na Delicate pero kahit di pa tapos ang botohan parang nabababaan ako sa resulta pero ok lng basta para sakin ayos tong kuhang ito...

10.25.2005

KAWAY


pagbabagong dulot sa buhay ng kaunting galaw lang ng kamay

don't say goodbye... i'll see you around

10.21.2005

DISAPPOINTMENT


bakit nagkaganito? hindi naging maganda ang takbo ng mga pangyayari...

i thought that it was you... now i know it was never meant to be
- rizal underground


10.20.2005

DIP


lumublob sa tubig kaya kinilig ka sa titig

im glad you took that plunge...

halatang nahuli ang click ko pero dahil sa ganda ng kulay ng pool eh okay na rin... shot taken last year - daraitan, tanay, rizal kung saan maraming marble... click nyo to "marble" para makita ang isang wallpaper ng lugar na ito at dito "wallpaper" para sa iba pang nakunan ko... care of "sumilang mountaineers"


10.18.2005

FALLIN'


may kulay pa rin kahit nahulog... iba na nga lang ang tugtog

why do you wave your hands everytime you feel me?

dahil medyo abala ako, eto old pic... medyo nagandahan lang ako sa kulay. may nakatagong lihim sa larawang iyan... baka sakaling makita nyo o maisip.

10.13.2005

BUSALSHOTS: 1st Year Anniversary

not bad rookie! pano ba yan?.. isang taon na ang busalshots!
abangan nyo na lang ang fireworks sa kalangitan mamayang gabi! ehehe

ginawa ko ang aking account sa blogger noon pang marso ng 2004 at kung titingnan nyo un pinaka-una kong post na pic... oct 18 2004 yon pero ang totoo nyan oct 13 talaga siya pinanganak dahil non pa lang ay buo na siya at desidido na ako na gagawin ko ito.

para mas madaling maintindihan ganito yon parang baby...

blogger account made: march 2004

7 months later, (pre-mature) birthday: oct 13, 2004 then

binyag: oct 18, 2004 = first post "mirror clock"

kay dami na'ng nangyari, kay dami na'ng naganap... dumating ang mga panahon na parang ang hirap nang itaguyod ng lugar na ito pero tuluy-tuloy lang, kahit kinakapos inabot pa rin, hanggang sa tumumba na ang isang haligi ng tahanang ito, pero kahit pipilay-pilay sinubukan pa rin maglakad at ngayon nga ay may narating.... isang taon - isang tagumpay!

salamat sa lahat ng dumaan, tumingin, nagsalita, na-enganyo,
naimpluwensyahan, humanga, natigilan at nagpabalik-balik.
mabuhay tayong lahat! mabuhay ang noypi! mabuhay ang busalshots!

FALLS


ang lakas ng daloy ng tubig... kaya ko kaya 'yang sabayan

test the waters, its worth a try... do what you gotta do

sa pagbabalik tanaw sa aking mga litrato napansin ko na wala pa pala akong pinost na picture ng "taytay falls" (majayjay falls) na isa sa mga paborito kong destinasyon, hindi dahil taga-ro'n ako ngunit dahil refreshing talaga ang lugar na ito...

noong bata pa ako ay imelda falls pa ang tawag dito dahil kay alam nyo na tapos ginawang taytay falls dahil sa barangay na nakakasakop dito at medyo kilala na ngayon bilang majayjay falls dahil sa popularidad. napakalayo pa ng nilalakad namin dati para marating ito pero masuwerte na nga ngayon dahil konting lakad na lang may parking pa. para sa mga hindi pa nakakarating, punta kayo hindi kayo magsisisi.... para sa falls na crystal clear at malamig na malapit-lapit sa kamaynilaan

kaya iyan para senyo... sensya na medyo maulan nung kinunan ko yan kaya parang may flash flood pero friendly naman yang falls most of the time

TRIGGER


aba'y maganda pala dinhe... nakakagaan ng pakiramdam

i'm so happy i reached this place...

taon 2000 - ito ang picture na somehow nag-trigger ng bisyo kong ito nang makita ko ang kinalabasan ng kuha ko ay nasabi ko sa sarili na "isa ito sa dapat na mga ginagawa ko..."

trivia: foreigners of different kinds first roamed busalshots and not pinoys dahil nagregister ako sa photoblogs.org shortly after building this site... isang dahilan iyon kaya ang mga caption dito ay dalawa (tagalog at ingles) ngayon alam nyo na hehe

10.07.2005

NEON


di mapigil biglang nawawala, naglalahong parang bula
- sandwich

'twas the perfect moment... before you decided to be unseen


10.06.2005

FIREBALL


bumubula kaya nabubulabog... nag-aapoy at bumibilog

okay relax... concentrate on the bubbles! there's a storm coming...

10.04.2005

PENCIL IN THE DARK


takot ka ba sa dilim? buti 'tong lapis hinde...

hoping that with this trace of light you'll see me


9.30.2005

AGAINST


tayong dalawa lang... ikaw at ako

see that light behind em... that's what keeps their fire burning


9.28.2005

VULNERABLE


mas maganda sana kung hindi ako nagmadali
pero anong gagawin mo kung konting oras lang ang naibibigay sa'yo?

juz thought that a background of white & green wud b nice...


9.27.2005

SPAG


ganito ba kayo kumain ng spaghetti?

hunt, kill, eat... happens everyday!


9.26.2005

SNEAK


medyo groggy na siya bago ko kinunan

the snake will always bite back
- Jake "The Snake" Roberts


9.23.2005

SUCCESSION


walang aantukin kung tutuktukin ang bulubundukin

just because you don't see it... it doesn't mean it isn't there
Archer - leader of the gorgonytes


pasalamat tayo sa mga langgam sa series na ito...
kung hindi nilanggam un tent namin ay hindi ko ito makukunan ng litrato
dahil ginising nila kami ng madaling araw hehe...
kinunan ko sila kaso wala sila sa mood dahil naghahanda sila para sa ulan.

9.21.2005

AWRY


ano ingles ng ngalum-baba? ni hindi nga alam pano isulat tong tagalog...

and this is how we will end... with you and me, bent
- matchbox twenty


9.19.2005

INTENSE


ang ganda ng gising mo kaso naisip mo kaagad ang mga problema

ignore me but don't put out the fire in me


ang mga picture ngayong linggo ay kinunan mula sa bundok batulao
at hatid sa inyo ng letter M at ng number 8...
hanggang sa muli mga bata!!!

9.16.2005

KONTRA


bakit ka tumatalon eh dumilim na nga ang langit?

we still enjoy our lives despite the adversities


un movie na vertical limit ang inspirasyon nyan kaya nagsimula ang pagpipicturan namin ng mga tumatalon over a cliff or sumthin
un tipong... "HAVE A LUNCH!!!" (avalanche)


eto un mga pioneer photos... 1 and 2
etong fly at escape na poster-look na...
ewan un iba kung saan nalagay


tungkol sa pics sa baba...


oo nga nasobrahan yata sa puti si tolits hehe...


totoo nyan na-edit ko rin siguro ng maganda dahil mas plain un kulay ng langit...
gray sa orig pic nyang talon tapos medyo blu-gray ung high


pero malamang humusay ako sa post processing... subukan nyo, kasama talaga ang editing lalo na sa digital image para makapag-produce ng mga pictures na ubod ng ganda tulad ng namamasdan natin sa internet at mga magazine,


tagal ko na kse pinagtatanto kung pano nila nakukuha yon, dati ko pa pinapatunayan sa sarili ko na hindi lang camera ang may gawa non...(pero iba na talaga un malupit ang cam hehe)


ika nga nila kapag nagluto ka ba ng masarap na pagkain tatanungin ba sa'yo
"ano ang gamit mong stove?" hindi nman di ba?


pero ang mahalaga pa rin ay yun composition ng picture... tulad nyan, kung hindi ko nakunan un langit ndi ganyan itsura nyan, although pwedeng dayain... ibang istorya na yon (hehe pinagtanggol ang sarili)


un mga tipong color adjustments, natural lang yon! palinawin, palabuin, papulahin ok lang basta applied sa buong image basic lang yon at kailangan mo talaga yon kung ipi-print mo.


advanced na un pagpapalinaw at pagpapadilim na gamit ang kamay pati na rin un pagtanggal ng mga maliliit na elemento na nakakadumi. pero un may kokopyahin at igagalaw o may ilalagay foul na yon.


pero sa tingin nyo, nasobrahan nga ba? (referring sa pic sa baba)

9.15.2005

TALON


madami talaga tong series na 'to na nag-start noon pang year 2000
kada nasa bundok kami... hmmm sayang ah kaya naman pala, dapat noon pa ganito na kalaki un collection ko ng pics tsk tsk

this was taken feb last year... the sky was clearer unlike the one below


9.14.2005

HIGH


lumipad kang parang ibon, bumagsak kang parang tuyong dahon
- kamagong

warning! don't try this at home! the stunt was performed by highly trained professionals who've been performing this for several years. under no circumstances should you or your friends attempt to recreate or copy this stunt. performance of this stunt by amateurs can lead to death or serious injury.


9.12.2005

LOOK BACK


pwede mo bang iwasan ang pagbalik sa kahapon?

my soul slides away, but don't look back in anger I heard you say
- oasis


9.09.2005

SHOEHILL


ganon na lang kung pa'no natin sila sipain at tapak-tapakan

we often take 'em for granted


ang may highest rating na photo ko sa tatlong nasalihan kong challenge...
ano sa tingin nyo? shoes ang theme...

9.07.2005

STEP


eh kung tapakan kaya kita

you're a real pain in the neck


galit sa mundo - teeth


bakit ba may mga taong
mayroong sariling mundo
lahat ng tama'y laging mali sa inyo
lahat ng uso'y baduy sa inyo


'di nakuntento
nandamay pa kayo
katahimikan ko'y ginugulo ninyo
anak ng tokwa ano bang gusto mo
oy! maghanap ka na lang ng ibang mundo


ganyan ang buhay sa mundo
may taong 'di kuntento
'yan ang taong walang kwenta
puro kwentong walang istorya
sawa ka na ba sa buhay mo
(pare 'tol tsong)
galit ka ba sa mundo


pati gobyerno'y tinitira n'yo
sa susunod na halalan ikaw ang tumakbo
mali ng iba'y pinupuna ninyo
humarap sa salamin tignan ang sarili mo

9.05.2005

SORRY


masarap ba yan? bakit paborito nyo yan?

never cry over spilled milk for it could be something worse like spilled beer
- anonymous


ipinasa ko 'to sa challenge na dairy ang theme..
tumaas naman ang score ko kumpara non una kaya ayos lang

9.01.2005

MARIEL


wag kang paka-puyat sa big brother uplate

what can i say?... she's all that


isang kanta para sa mga magagandang nilalang dito...
you've got to be kiddin'!



REM - At My Most Beautiful


I've found a way to make you, I've found a way
A way to make you smile



I read bad poetry Into your machine
I save your messages Just to hear your voice
You always listen carefully To awkward rhymes
You always say your name, Like I wouldn't know it's you,
At your most beautiful


At my most beautiful I count your eyelashes, secretly
With every one, whisper I love you I let you sleep
I know you're closed eye watching me, Listening
I thought I saw a smile

8.31.2005

SUPER


isang rason kung bakit maganda ang umaga sa pilipinas

bianca is on top of her game! think so?


she's also bloggin' around... visit her ryt here!

8.29.2005

F & J


francine & juliana... san ka pa?

is it hot in here or is it just me


naimbitahan na naman ang tropa sa mtv pilipinas 2005 kaya eto...


sayang lang mas marami sana kong magagandang pics kung naalala ko lang at nai-apply ang sangkatutak na nabasa ko tungkol sa pagpipicture sa mga sitwasyong tulad nito pero di rin masisi ang sarili dahil mas masarap naman talagang manood kung minsan at magpa-picture kesa mag-picture hehe


di bale magaganda naman to eh...next time, yari na yan!

8.26.2005

CHILL


easy ka lang, relaks... hinga ng malalim

do you think you're cool?


tagal ko na tong nabasa pero ngayon ko lang naalala...
kung may gusto akong i-share tungkol sa pagpi-picture
ay maayos na nailahad dito

check this out... how to make great photographs

pero ipagpatawad nyo un pagkahilig ng writer sa Nikon...

8.23.2005

SETUP


halina aking hirang, tayo ay magkantahan
- boy sullivan

juz ur ordinary friday night bar


8.19.2005

HIMALA


bago nag-hallelujah... nagkaroon ng himala

for every mountain there is a miracle
- robert h. schuller


pangarap ko'y makita kang naglalaro sa buwan

inalay mo sa akin ang gabing walang hangganan

(hindi mahanap/'di mahagilap) sa lupa ang pag-asa
nakikiusap (na lang/ sa buwan)

himala, kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?
kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?

pangarap ko'y liwanag ng umaga naglalambing sa iyong mga mata