bakit ka tumatalon eh dumilim na nga ang langit? we still enjoy our lives despite the adversities
un movie na vertical limit ang inspirasyon nyan kaya nagsimula ang pagpipicturan namin ng mga tumatalon over a cliff or sumthin
un tipong... "HAVE A LUNCH!!!" (avalanche)
eto un mga pioneer photos... 1 and 2
etong fly at escape na poster-look na...
ewan un iba kung saan nalagay
tungkol sa pics sa baba...
oo nga nasobrahan yata sa puti si tolits hehe...
totoo nyan na-edit ko rin siguro ng maganda dahil mas plain un kulay ng langit...
gray sa orig pic nyang talon tapos medyo blu-gray ung high
pero malamang humusay ako sa post processing... subukan nyo, kasama talaga ang editing lalo na sa digital image para makapag-produce ng mga pictures na ubod ng ganda tulad ng namamasdan natin sa internet at mga magazine,
tagal ko na kse pinagtatanto kung pano nila nakukuha yon, dati ko pa pinapatunayan sa sarili ko na hindi lang camera ang may gawa non...(pero iba na talaga un malupit ang cam hehe)
ika nga nila kapag nagluto ka ba ng masarap na pagkain tatanungin ba sa'yo
"ano ang gamit mong stove?" hindi nman di ba?
pero ang mahalaga pa rin ay yun composition ng picture... tulad nyan, kung hindi ko nakunan un langit ndi ganyan itsura nyan, although pwedeng dayain... ibang istorya na yon (hehe pinagtanggol ang sarili)
un mga tipong color adjustments, natural lang yon! palinawin, palabuin, papulahin ok lang basta applied sa buong image basic lang yon at kailangan mo talaga yon kung ipi-print mo.
advanced na un pagpapalinaw at pagpapadilim na gamit ang kamay pati na rin un pagtanggal ng mga maliliit na elemento na nakakadumi. pero un may kokopyahin at igagalaw o may ilalagay foul na yon.
pero sa tingin nyo, nasobrahan nga ba? (referring sa pic sa baba)
No comments:
Post a Comment