nakasanayan? pero mali eh... dapat nating baguhin you're a hard habit to break nagagandahan talaga ko dito sa litratong 'to... sinali ko sa challenge na Delicate pero kahit di pa tapos ang botohan parang nabababaan ako sa resulta pero ok lng basta para sakin ayos tong kuhang ito...
10.28.2005
WRONG PRACTICE
10.25.2005
KAWAY
pagbabagong dulot sa buhay ng kaunting galaw lang ng kamay don't say goodbye... i'll see you around
10.21.2005
DISAPPOINTMENT
bakit nagkaganito? hindi naging maganda ang takbo ng mga pangyayari... i thought that it was you... now i know it was never meant to be
- rizal underground
10.20.2005
DIP
lumublob sa tubig kaya kinilig ka sa titig im glad you took that plunge... halatang nahuli ang click ko pero dahil sa ganda ng kulay ng pool eh okay na rin... shot taken last year - daraitan, tanay, rizal kung saan maraming marble... click nyo to "marble" para makita ang isang wallpaper ng lugar na ito at dito "wallpaper" para sa iba pang nakunan ko... care of "sumilang mountaineers"
10.18.2005
FALLIN'
may kulay pa rin kahit nahulog... iba na nga lang ang tugtog why do you wave your hands everytime you feel me? dahil medyo abala ako, eto old pic... medyo nagandahan lang ako sa kulay. may nakatagong lihim sa larawang iyan... baka sakaling makita nyo o maisip.
10.13.2005
BUSALSHOTS: 1st Year Anniversary
not bad rookie! pano ba yan?.. isang taon na ang busalshots!
abangan nyo na lang ang fireworks sa kalangitan mamayang gabi! ehehe
ginawa ko ang aking account sa blogger noon pang marso ng 2004 at kung titingnan nyo un pinaka-una kong post na pic... oct 18 2004 yon pero ang totoo nyan oct 13 talaga siya pinanganak dahil non pa lang ay buo na siya at desidido na ako na gagawin ko ito.
para mas madaling maintindihan ganito yon parang baby...
blogger account made: march 2004
7 months later, (pre-mature) birthday: oct 13, 2004 then
binyag: oct 18, 2004 = first post "mirror clock"
kay dami na'ng nangyari, kay dami na'ng naganap... dumating ang mga panahon na parang ang hirap nang itaguyod ng lugar na ito pero tuluy-tuloy lang, kahit kinakapos inabot pa rin, hanggang sa tumumba na ang isang haligi ng tahanang ito, pero kahit pipilay-pilay sinubukan pa rin maglakad at ngayon nga ay may narating.... isang taon - isang tagumpay!
salamat sa lahat ng dumaan, tumingin, nagsalita, na-enganyo,
naimpluwensyahan, humanga, natigilan at nagpabalik-balik.
mabuhay tayong lahat! mabuhay ang noypi! mabuhay ang busalshots!
FALLS
ang lakas ng daloy ng tubig... kaya ko kaya 'yang sabayan test the waters, its worth a try... do what you gotta do sa pagbabalik tanaw sa aking mga litrato napansin ko na wala pa pala akong pinost na picture ng "taytay falls" (majayjay falls) na isa sa mga paborito kong destinasyon, hindi dahil taga-ro'n ako ngunit dahil refreshing talaga ang lugar na ito...
noong bata pa ako ay imelda falls pa ang tawag dito dahil kay alam nyo na tapos ginawang taytay falls dahil sa barangay na nakakasakop dito at medyo kilala na ngayon bilang majayjay falls dahil sa popularidad. napakalayo pa ng nilalakad namin dati para marating ito pero masuwerte na nga ngayon dahil konting lakad na lang may parking pa. para sa mga hindi pa nakakarating, punta kayo hindi kayo magsisisi.... para sa falls na crystal clear at malamig na malapit-lapit sa kamaynilaan
kaya iyan para senyo... sensya na medyo maulan nung kinunan ko yan kaya parang may flash flood pero friendly naman yang falls most of the time
TRIGGER
aba'y maganda pala dinhe... nakakagaan ng pakiramdam i'm so happy i reached this place... taon 2000 - ito ang picture na somehow nag-trigger ng bisyo kong ito nang makita ko ang kinalabasan ng kuha ko ay nasabi ko sa sarili na "isa ito sa dapat na mga ginagawa ko..." trivia: foreigners of different kinds first roamed busalshots and not pinoys dahil nagregister ako sa photoblogs.org shortly after building this site... isang dahilan iyon kaya ang mga caption dito ay dalawa (tagalog at ingles) ngayon alam nyo na hehe
10.07.2005
NEON
di mapigil biglang nawawala, naglalahong parang bula 'twas the perfect moment... before you decided to be unseen
- sandwich
10.06.2005
FIREBALL
bumubula kaya nabubulabog... nag-aapoy at bumibilog okay relax... concentrate on the bubbles! there's a storm coming...
10.04.2005
PENCIL IN THE DARK
takot ka ba sa dilim? buti 'tong lapis hinde... hoping that with this trace of light you'll see me