8.01.2005

A TIME TO KILL


ipis! pellet gun lang po yan...

what's it worth?


sagutin ko lng po un mga tanong ni bulitas...


a510 na po ang gamit ko ngayon pero kung check nyo un archives lahat ng malilit na pics ay kuha ng a200 kasama pati un mga bug pics ng june. di pa po yata ako nakakahawak ng dslr pero malapit na yon hawak lng pla eh hehe


tungkol don sa mga huling pics ko ganito yon... walang flash tapos sa tulong ng isang tripod kaya ko naisagawa mga kuha sa saging, baso at dahon. ginamitan ko po ng flashlight un saging at baso... luckily nagmukhang sinag ng araw un sa saging. sa baso ay ginawang black & white para mapansin ng husto un ilaw. sa dahon nman eh siya lng un may tama ng liwanag sa dilim kaya konting tagal sa exposure ayun. at eto white cloth background...


punta kayo don sa dpchallenge.com makakakita kayo ng mga impakto sa pagpipicture. kahit di kayo sumali kumuha lng kayo ng inspirasyon. ako marami nang natutunan tulad ng mga photo editing tricks. makakakita din kayo ng mga larawang pupukaw sa inyong imahinasyon masasabi nyo na lang un lagi namin sinasabi ni daday "naisip nya yon? akalain mo..." nagpapatunay lang na iba-iba talaga un mga tingin natin kaya kahit sino may pwedeng i-share na mata nila. di ba?